BUWAN NG NUTRISYON INILUNSAD SA ANABU DOS
ni Criselda Medel
Nagdiwang ng Buwan ng Nutrisyon ang paaralang elementarya ng Anabu 2 noong Hulyo, alinsunod sa temang “Kumain ng Wasto at Maging Aktibo… Push Natin ‘to”
Naghanda ang bawat baitang ng iba’t-ibang gawain na nagpapakita ng kahalagahan ng tamang nutrisyon sa bawat isa.
Nagkaroon ng mga patimpalak tulad ng quiz bee, paggawa ng poster at mga nakatutuwang slogan na may hugot lines na ayon pa rin sa tema nito.
Mayroon nag pagalingan sa paggwa ng kanta na may kasamang sayaw upang higit pang maunawaan ang tema ng pagdiriwang.
Gumamit din ng mga tunay na prutas at gulay sa mga aktibidad tulad ng nutri-dress costume, fruit curving at maging sa pagpapakita ng mga masusustansyang putahe na sinahugan gamit ang mga ito.
Ang mga magulang ng mga estudyante ng paaralan ng Anabu 2 ay nakiisa din sa mga nasabing gawain.
Tunay nga na naging isang matagumapay at makabuluhan ang pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon sa paaralan ng Anabu 2.